Nakalimutan Mong Gumulong

Noong Biyernes, nang makita ko ang kaliwang bahagi ng mukha mo na puro pasa at namamaga, parang hiniwa ang puso ko. Nanlaki ang ulo ko. Nadapa ka pala sa UP nang papunta ka sa CR. Hindi mo pala kasama si Kay kasi siya ang nakapila para sa enrollment.

Ang kwento mo sa akin, sumabit ang sapatos mo sa isang nakausling bato at uma-ambon-ambon pa noon. Pinilit mong iniiwas ang iyong mukha, pero paano mo gagawin iyon? Buti na lamang at walang nakausling bato sa binagsakan ng iyong mukha. Sumakit ang kanang balikat mo at hanggang sa kinabukasan ay hindi mo na ito maitaas dahil sa sakit. Napuwersa, Papsie, ang kanang balikat at braso mo sa pagpupumilit mong makaiwas.

Naalala ko noong anim na buwan pa lang si Daryl noon at siya ay karga mo. Nasabit ang tsinelas mo sa isang nakausli ring bato. Bago pa man bumagsak si Daryl ay nagawa mo nang igulong ang katawan mo upang hindi siya ang humampas o mahulog. Puro galos ka rin noon. Buti na lamang at walang grabeng nangyari sa inyong dalawa. Takot na takot ako noon at pinagbawalan ka nang lumakad na karga-karga si Daryl.

Iyon ang nakalimutan mo, Papsie, ang igulong ang katawan para hindi ka gaanong nasaktan. 🙂 O talaga lamang mas mabigat ka na ngayon kaya hindi mo kinayang igulong ang katawan? O nawala ang pagka-stunt man mo?

Ngayon ko naisip, hindi ka dapat lumalakad nang nag-iisa at walang kasama. Iika-ika ka na ngang maglakad at hindi na rin bumabata, at bumibigat pa. Huwag sanang matigas ang ulo at sundin ang mga payo.

Sabi nila dapat asahan ang mga hindi inaasahan. Ang aksidente ay nangyayari kahit na nga nag-iingat.

10 thoughts on “Nakalimutan Mong Gumulong

  1. Tutuo nga. Kailangang mag-ingat. Hindi na tayo bumabata. hehehe. Kawawa naman.

    My migration to WordPress was successful, except for a few glitches. And there's still lots of tinkering to do. Thanks for the help. 🙂

    Like

  2. ay! buti nga wlang batong nakauslit na tumama sa mukha.. dpat na yata ikuha ng personal alalay. hehehe… buti na lang he's okei na.. eyelid shadow na lang ang naiwan.. hehehe..

    Like

  3. hi, irene! was able to had a glimpse of your new site. congrats! hope you will enjoy WP.

    oo nga, din=din.

    thanks, rhada. hindi ako masyadong nakakapasyal sa mga haybols nyo. kulang talaga ang time ng isang working mom. how are you?

    Like

  4. pag natumba ka dapat hayaan mo lang yung sarili mong mahulog… wag mong ikakampay yung braso mo… dapat nakadikit lang sa katawan para maiwasan yung neck at clavicular injuries…

    Like

  5. Hello bing! ka chat ko kahapon friend ko, nasabit daw yung takong ng shoes nya sa may pinto ng Robinson, dapa rin sya. napahiya sa dami ng tao kaya napapasok sa net cafe.

    Hope ok na si papsie mo.

    Like

  6. you mean to say, huwag itukod, monmon? our tendency kasi when we fall is to take defense.

    🙂 sabi nga nya, melai. pero iba ako magalit, e.

    hay, naku, ann, kung sa experience lang, ang dami ko. ang pinakagrabe is when i landed on the ground, puro ako galos at sugat noon at yung isa when i board the LRT, semplang din ako noon.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s